Aeta scholar mula Porac, pasado sa 2026 Medical Technologist Licensure Examination

Nagbigay-inspirasyon sa komunidad ng mga katutubo si Rolan Popatco Jr., isang Aeta mula Brgy. Camias, Porac, Pampanga, matapos pumasa sa March 2026 Medical Technologist Licensure Examination (MTLE). Kabilang si Popatco sa 7,838 na pumasa sa naturang pagsusulit, batay sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, March 11. Naging posible ang kanyang […]
VM Jen Capil, umupo bilang acting mayor ng Porac

Humalili bilang acting mayor ng Porac, Pampanga si Vice Mayor Jen Capil nitong Lunes, March 9. Ito ay matapos masuspinde nang 90 days ang kanyang ama na si Mayor Jing Capil kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bayan. Ayon sa Department of the Interior […]
Tubig sa Abacan River, kontaminado; panghuhuli ng migratory birds at pangingisda, ipinagbabawal
Naglabas ng babala ang Angeles City LGU laban sa pagkain, pagbebenta, at panghuhuli ng mga isda at migratory birds mula sa Abacan River. Ito ay makaraang matuklasan na kontaminado ang tubig na nagmumula sa naturang ilog, ayon sa City Health Office. Sa isinagawang laboratory analysis, natukoy ang mataas na antas ng ammonia, nitrates, phosphate, oil […]
₱216-M halaga ng fake footwear, nasabat sa isang warehouse sa Apalit

Umabot sa tinatayang ₱216.305 million na halaga ng umano’y fake branded footwear ang nasamsam ng mga otoridad sa isang warehouse sa bayan ng Apalit, Pampanga, ayon sa Philippine National Police (PNP). Ipinatupad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Pampanga Provincial Field Unit ang search warrant noong February 26 matapos ang ulat tungkol sa […]
14 na indibidwal, timbog sa cyber scam hub sa Pampanga

Arestado ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 14 na indibidwal matapos madiskubre at mabuwag ang isang umano’y cyber-financial scam hub sa Clark Freeport Zone, Pampanga nitong Sabado, February 21. Ayon sa NBI, pangunahing target ng sindikato ang mga retirado at iba pang itinuturing na ‘vulnerable citizens.’ Ginagamit umano ng grupo ang […]
Angeleño creativity, bumida sa runway ng Púpul ning Kalalangan

Nagliwanag ang entablado ng Plaza Angel sa isang gabi ng sining at estilo nang itampok ang runway showcase ng Púpul ning Kalalangan: Katutuan at Tépángan nitong Sabado, February 7. Bida sa programa ang fashion show na nagpakita ng mga disenyong humuhugot ng inspirasyon sa kultura at identidad ng Angeles City. Inirampa ng mga modelo ang […]
3 Chinese, 1 Japanese national, arestado sa umano’y scam hub sa Angeles City

Arestado ang apat na dayuhan sa Angeles City, Pampanga kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa telecommunication fraud, online gaming scams, at iba pang illegal activities, ayon sa Bureau of Immigration (BI). Isinagawa ang operasyon noong February 18 sa isang residential area sa Barangay Pampang, sa koordinasyon ng Philippine National Police–Anti-Kidnapping Group, kasunod ng intelligence reports hinggil […]
Free surgical and medical mission para sa mga OFW, isinagawa sa Pampanga

Nagsagawa ng tatlong araw na surgical, medical, at optical mission para sa overseas Filipino workers at kanilang mga pamilya ang Department of Migrant Workers (DMW) mula February 18 hanggang 20 sa OFW Hospital sa Pampanga. Layunin nitong magbigay ng libreng health services sa mga OFW, kanilang benepisyaryo, at iba pang underserved sectors, katuwang ang Makati […]
Ilang indibidwal na umano’y nakatira sa Sta. Ana, nahuling nagtatapon ng basura sa Arayat

Ilang indibidwal na nangungupahan sa bayan ng Sta. Ana, Pampanga ang nahuling nagtatapon ng basura sa karatig-lugar na Arayat, ayon kay Mayor Jeffrey Luriz sa kanyang Facebook live nitong Huwebes, February 19. Sa pahayag ng mga nahuli, kasalukuyan silang nakatira sa Brgy. Sta. Lucia, Sta. Ana. Unang beses daw nilang nagtapon ng basura sa lugar […]
‘Hope Behind Bars’ project, pag-asa at kabuhayan ang hatid sa mga babaeng PDL sa CSFP

Isang programang nagbibigay pag-asa sa likod ng rehas ang “Hope Behind Bars” project na inilunsad ng Soroptimist International Pampanga para sa mga babaeng Persons Deprived of Liberty (PDL) sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa City of San Fernando, Pampanga. Sa gitna ng kakulangan sa pagkain at mga pangunahing pangangailangan tulad […]